Lahat na ng magagandang pang-uri sinabi mo na
upang sagutin lamang ang katanungang, "Ano ang Ideal Guy/Girl mo?"
Tuwing ikaw ay iibig, hahanapin mo pa ba ang mga katangiang ito? Paano kung
tumibok 'yang puso mo sa isang taong kabaliktaran ng mga katangiang hinahanap
mo? Mapipigilan mo pa ba ito?
Para sa akin, ang pag-ibig ay ang pagkatuto nating mahalin ang taong ating nakilala. Hindi ito pagmamahal ng taong gusto natin. Tulad nga ng sinabi ko, mapipigilan mo pa ba ang pagtibok ng puso mo sa taong kabaliktaran ng taong hinahanap mo? Kahit ano pang magagandang pang-uri 'yang sabihin mo sa Ideal Guy/Girl mo, kung tumibok naman 'yang puso mo sa isang taong hindi mo inakalang mamahalin mo dahil kabaliktaran nga ito ng mga pang-uri ng sinabi mo, ay wala rin. Pano kung nangyari sa'yo 'to? Makikipaghiwalay ka ba? Choosy mo 'te. Makikipaghiwalay ka lang dahil sa hindi siya yung Ideal Guy/Girl mo. Pano kung totoong mahal ka nung taong 'yun? Pababayaan mo lang? Sa panahon ngayon, mahirap ng humanap ng taong nagmamahal ng totoo. Dahil karamihan sa mga kabataan ngayon, ginagawa na lamang biro ang pagpasok sa isang relasyon. Tama ba?
Pag-ibig? Napaka-unpredictabe nyan. Hindi mo alam kung kailan darating. Hindi mo alam na baka yung nakasalubong mo sa daan ay yung taong makakatuluyan mo balang araw. Hindi mo alam na baka yung hindi mo kasundong tao, e yung nakatadhana sa'yo. Hindi mo alam na baka yung taong kabaliktaran mo, e yung makakasama mo sa habang buhay. At hindi mo alam na baka yung taong niloko ka nang unang beses, ay siyang magiging tatay/nanay ng mga magiging anak mo. Tulad nga ng sinabi ko, napaka-unpredictable ng pag-ibig.
Aaminin ko na yung mga pang-uri na nakalagay sa unang talata, ay ang Ideal Guy ko. Pero hindi ako naniniwala na makakahanap ako ng ganung tao dahil hindi naman natin alam kung kailan at kung kanino titibok 'to <3. Swerte mo kung may taong nagmamahal sa'yo na pipiliting abutin yung Ideal Guy mo. Effort lang niya. Sobra.
Swerte mo kung makakakita ka ng taong hinahanap mo. Pero hindi ibig sabihin nun, ay kayo na nga hanggang dulo. Pag-ibig, maraming patibong 'yan. Ingat-ingat din.
No comments:
Post a Comment