Naranasan mo na ba ang pagiging
isang mag-aaral sa hayskul? Kung hindi pa, 'wag mo ng basahin ang blog na ito.
Hindi ka makaka-relate. :D
Masaya ang pagiging isang hayskul student, 'di ba? Dito
nabubuo ang tropa. Dito nabubuo ang kakaibang pagsasamahan. At kadalasan nga'y,
dito tayo natututong umibig.
Lahat tayo ay masasabing kakaiba ang buhay hayskul. Kapag
tinanong mo ang isang mag-aaral sa kolehiyo ng "Ano ang pinakamasayang
parte ng buhay mo?", malamang sa malamang, buhay hayskul ang isasagot
nyan. Dadagdag pa 'yan na, "Sana hayskul student na lang ulit ako." O
di ba? Tanungin mo ang mga pumapasok sa mga opisina, buhay hayskul din ang
kanilang isasagot. Ang mga magulang mo, buhay hayskul din. Ikaw, tanungin mo
'yang sarili mo, ano nga ba ang pinakamasayang parte sa buhay mo? Buhay hayskul
din ba?
Buhay Hayskul - ito ang parte ng ating buhay na kung saan
ay talagang ma-eenjoy natin. Apat na taon din ito ah! Ito ang mga pahina sa
ating libro na may pinakamarami at pinakamasasayang pangyayari na panigurado ay
hindi natin malilimutan. Ito ang ilan lamang sa kanila:
1. Nandyan yung pagsulyap mo kay crush. Yung tipong lalabas kayo ng room tapos
ppwesto ka dun sa harap ng building niyo para lang makita si crush.
2. Nandyan yung paghingi mo ng one whole, crosswise, lengthwise, one-fourth,
short bond, long bond, oslo, graphing paper at colored paper sa iyong mga
kaklaseng masipag mamili ng mga ito. Minsan nga'y tinatawag niyo siyang
"school supply" o 'di kaya'y "national bookstore."
3. Nandyan yung panghihiram mo ng mga gunting, glue at ruler sa mga kaklase
niyong masipag magbitbit. Minsan nga pati ballpen hinihiram mo na rin na
kadalasa'y hindi mo na naibabalik.
4. Nandyan yung paghiram ng suklay ng mga kababaihan. O 'di kaya'y paghingi ng
pulbo. Minsan nga t-shirt na hinihiram e.
5. Nandyan yung jamming sa loob ng classroom. May maggigitara, magbebeatbox at
halos kalahati ng klase ang kakanta.
6. Nandyan yung sharing kapag wala si teacher. Uupo pa kayo sa sahig tapos
share share ng problem, kalokohan o kaya nama'y LOVE LIFE.
7. Nandyan yung galaan tuwing maaga ang uwian.
8. Nandyan yung pagtambay sa Mcdo o kahit saang fast food na malapit
sa iyong paaralan.
9. Nandyan yung pagpapaalam mo sa iyong mga magulang na may project sa school o
kaya'y practice ng ganito't ganyan, pero gagala ka lang pala.
10. Nandyan yung pagdodota ng mga kalalakihan tuwing pagkatapos ng klase.
11. Nandyan yung tawanang malakas na naririnig hanggang sa kabilang kwarto o
'di kaya'y sa second floor.
12. Nandyan yung pakikipagkwentuhan mo sa mga inyong gurong malapit sa iyo
tuwing walang ginagawa sa klase o free time.
13. Mawawala ba yung panggagaya niyo sa mga teachers niyo? Isa ka ba dun?
Syempre, isa ito sa mga nagdudulot ng kasiyahan sa klase.
14. Nandyan yung panghihiram ng notes at notebook sa kaklase niyong masipag
magsulat tuwing discussion.
15. Nandyan yung movie marathon sa bahay ng kaklaseng maraming DVDs na
tinatago. May kasama pang pagkain 'yan.
16. Nandyan yung camping na kung saan ay ayaw niyong matulog at gusto niyo
lamang na tumambay sa labas at magkwentuhan o kaya jamming.
17. Nandyan yung mga program na nakakainip at hindi na pinapakinggan.
18. Nandyan yung magpapaalam kang mag-CR pero diretso canteen ka pala talaga
para kumain dahil nakakaantok magturo si Sir/Ma'am.
19. Nandyan yung mga kahilingan mong sana mahaba yung speech ni principal
tuwing flag ceremony para makain yung oras at mawalan kayo ng unang klase na
kadalasa'y may pagsusulit. Pero kapag MAPEH ang unang subject, naiinis ka dahil
hindi kayo makakapaglaro ng matagal.
20. Nandyan yung mga play na kung saan todo effort kayo sa paggawa ng mga
props. Painting painting pa yung iba. Pero enjoy naman. Dito kadalasan
nagbobonding yung buong klase.
21. Nandyan yung paghiling na sana wala si Sir/Ma'am.
22. Nandyan yung isang kaklase mong sisilip sa labas o kaya'y ppwesto sa
pintuan at dahan-dahang sisilip para tingnan kung paparating na ba si
Sir/Ma'am.
23. Nandyan yung pagtulog mo klase dahil puyat ka kakagawa ng homework,
kaka-computer o sadyang nakakaantok lang talaga magturo si teacher.
24. Nandyan yung unang pagtibok ng puso mo, unang pag-iyak mo dahil sa pag-ibig
at una mong kabiguan.
25. Nandyan yung isang kaklase mong source ng lahat ng sagot sa homework.
26. Nandyan yung TEAMWORK sa exam. Mawawala ba 'to?
Naluha ka ba? Kung oo, namiss mo 'to no? Nangiti ka? Kabilang ka sa mga
gumagawa nyan no? Tinamaan ka ata. 'Yan lamang ay ilan sa mga pangyayari na
naganap sa ating buhay hayskul. Malilimutan mo ba ang mga ito?
Buhay Hayskul - ito ang kadalasang nakkwento natin sa ating mga anak o magiging
anak. Isang parte ng ating buhay na masarap balik-balikan. Isang parte na kung
saan mas nakilala natin ang ating mga sarili.
Ikaw, ano ang buhay hayskul mo?