Binibisita ng boyfriend ang kanyang girlfriend. Kumain sila at umupo sa salas. Marami ang nakain ng bf at kailangan niyang maglabas ng masamang hangin.
Ngunit nahihiya siya sa gf niya. Pinigil ng bf ang pag-utot, pero hindi
niya na ito nakaya.
PPOOOOOTTTTT!!!!!
Huminto ang bf sa paggalaw. Hiyang0-hiya siya at pulang pula ang mukha. Tiningnan niya ang gf niya. Walang reaksyon ang gf, pero biglang tinawag ang aso na nasa ilalim ng upuan ng bf.
"Rex, umalis ka nga dyan!"
Pero walang kilos ang aso. Nakahinga ng maluwag ang bf at inisip -
"Hay salamat, akala niya yung aso ang umutot!"
Nag-chat sila, ngunit nakaraan ang ilang sandali ay napapa-utot muli ang
bf dahil talagang ang dami niyang kinain. Hindi niya ulit ito
napigilan.
PPPOOOOOOTTTTT!!!!
Kinabahan ulit ang bf at namula. Muling sinabi ng gf,
"Rex, ano ka ba? Umalis ka dyan sabi eh!"
Wala paring kibo ang aso.
"Hay salamat sa aso," isip ng bf, "Akala niya ulit yung aso ang umutot."
Nag-chat ulit sila, pero napapa-utot ulit ang bf at hindi niya ito napigilan.
PPPPOOOOOOOOTTTTTTTT!!!!!!
Tumayo ang gf,
"Rex! Umalis ka dyan baka mataihan ka!!!!"
Translate
Saturday, November 30, 2013
Babala: Huwag Maging Madamot!
Juan:
Oys, ano yan? Pinya? Pahingi naman dyan.
Pedro: Pahingi? Nasaan ka noong nagbubungkal ako ng lupa sa ilalim ng init ng araw? Nasaan ka noong nagtatanim ako habang kumukulog, kumikidlat at bumubuhos ang malakas na ulan? Nasaan ka noong oras na nag-aani ako na nagkalat ang maraming ahas sa dadaanan ko, noong naghihirap ako sa pagpasan ng pinya? Nasaan ka?
Juan: Nakakulong kasi ako noon! Nakapatay ako ng madamot!
Pedro: Ganun ba?
Juan: Kuha ka na, kahit ilan! May langka pa doon!

Subscribe to:
Posts (Atom)